ANO ANG GRUPONG ITO?
Ang Friends & Volunteers of Senator Bato Dela Rosa ay isang grupo na binuo upang ipamalas at ipalaganap ang katotohanan tungkol sa tunay na kakayahan, prinsipyo, at dedikasyon ng butihing senador sa paglilingkod sa bayan.
Layunin nitong magbigay-linaw at sapat na impormasyon sa publiko tungkol sa kanyang mga nagawa, adbokasiya, at paninindigan bilang isang lider na may tapang, puso, at malasakit sa kapwa Pilipino.
Higit pa rito, naniniwala ang grupong ito na mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman ang sambayanan sa pagpili ng mga tamang lider na mamumuno sa ating bansa. Ang isang Senador na may wastong kaalaman, napatunayang kakayahan, at tunay na malasakit ay may malaking epekto hindi lamang sa pag-unlad ng bansa kundi pati na rin sa kinabukasan ng bawat pamilyang Pilipino.
Kung ang mga namumuno ay walang sapat na kakayahan at karanasan, ito ay maaaring magdulot ng mabigat na suliranin sa ating ekonomiya, seguridad, at kalidad ng buhay ng bawat Pilipino. Dahil dito, layunin ng Friends of Senator Bato Dela Rosa na gabayan ang taong bayan sa tamang pagpapasya, upang matiyak na ang mga iniluluklok sa puwesto ay mga lider na tunay na magtataguyod sa interes ng sambayanan.
Sa pamamagitan ng grupong ito, hinihikayat ang bawat Pilipino na maging mulat at responsable sa pagpili ng mga pinuno, upang matiyak ang mas ligtas, mas maunlad, at mas maayos na kinabukasan para sa ating lahat.